^
Majority floor leader papalitan na
Ayon kay Deputy Speaker at Interim Majority leader Fred Castro na plano talaga nilang maghalal ng kapalit ni dating House Majority leader Rodolfo Fariñas at posibleng mangyari ito sa Lunes.

Majority floor leader papalitan na

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siguradong magkakaroon na ng bagong Majority leader ang Kamara sa susunod na linggo.

Ayon kay Deputy Speaker at Interim Majority leader Fred Castro na plano talaga nilang maghalal ng kapalit ni dating House Majority leader Rodolfo Fariñas at posibleng mangyari ito sa Lunes.

Idinagdag pa ni Castro na gagampanan niya ang tungkulin ng majority leader hanggang sa makapaghalal na ng bago ang kapulungan.

Kaya bilang pansaman­talang majority leader, si Castro rin ang tatayong pan­samantalang chairman ng Rules committee ng Kamara.

Sinabi naman ni Nueva Ecija Rep. Magnolia Antonino na maraming pwedeng pagpilian na papalit kay Fariñas at sila ay malaki ang naging papel sa pagkaluklok kay Arroyo bilang Speaker.

Ang bagay na ito uma­no ay masusing pinag-uusapan ng Majority bloc ngayon para mapili ang pinakamahusay na tata­yong majority leader.

Kabilang naman sa sinasabing pinagpipiliang pumalit kay Fariñas ay si Castro at si Deputy Speaker Andaya.

FRED CASTRO RODOLFO FARIñAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with