^

Bansa

Brodkaster uli itinumba!

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Brodkaster uli itinumba!
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnel Escobal ang biktima na si Joey Llana, 38 anyos, block timer announcer ng DWZR-Zoom Radio sa Legazpi City, at residente ng Purok 5, nasabing barangay.

Kinondena ng Palasyo

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang sasakyan ang isang radio broadcaster ng mga hindi pa kilalang gunmen sa Brgy. Peñafrancia sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnel Escobal ang biktima na si Joey Llana, 38 anyos, block timer announcer ng DWZR-Zoom Radio sa Legazpi City, at residente ng Purok 5, nasabing barangay.

Sa ulat ni Supt. Benito Dipad, hepe ng Daraga Police, dakong alas-4:45 ng madaling araw ay sakay ng kanyang Isuzu Wizard (RGL-683) ang biktima at paatras na mula sa garahe ng kanyang bahay para pumasok sa kanyang pang alas-6 na umagang programa nang makari­nig nang sunud-sunod na putok ang mga kapatid ni Joey. Nang kanilang tingnan sa labas ay nakita ang duguang biktima.

Pinaniniwalaan ng mga kapatid ng suspek na posibleng kakilala ng biktima ang bumaril dahil nakabukas ang bintana ng kanyang kotse sa driver’s seat na posibleng nag-usap pa bago nangyari ang pamamaril.

Ayon naman sa station manager ng biktima na si Chyx Baldo, ilang araw bago pinaslang si Joey ay ilang kalalakihan ang naghahanap dito.

Nakuha sa crime scene ang 12 basyo ng bala mula sa hindi pa malamang kalib­re ng baril.

Nakuhanan din ng pitong sachet ng hinihinalang shabu ang biktima pero ayon sa mga kamag-anak posibleng itinanim ito ng mga suspek.

Nabatid na ang biktima ay isang hard hitting o ma­tinding bumirang anchor sa kaniyang prog­rama.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para sa pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.

Samantala kinondena ng Malacañang ang ang pagpatay kay Llana kasabay ng pakikiramay sa pamilya ng pinatay na broadcaster.

“We strongly condemn the killing of radio reporter Joey Llana in Daraga, Albay, as yet another infringement on the rights to life and a free press. The Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) will be relentless in according justice to this latest victim,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with