3-day lockdown sa Batasan

Dahil dito, tanging ang mga may pangalan lamang na isinumite sa Legislative Security Bureau o LSB ng Kamara ang maaring makapasok ng Batasan. Bibigyan din sila ng mga color-coded stickers bago makapasok.

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng House Legislative and Security Bureau ang pagpapatupad ng 3-day lockdown sa Batasang Pambansa Complex para sa paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes.

Dahil dito, tanging ang mga may pangalan lamang na isinumite sa Legislative Security Bureau o LSB ng Kamara ang maaring makapasok ng Batasan. Bibigyan din sila ng mga color-coded stickers bago makapasok.

Para naman sa mga miyembro ng media, ang mga House Accredited Reporters at crew lamang ang papayagang pumasok. Habang ang ibang media personnel na magse-set up ng kanilang nga media facilities para sa coverage ay papayagan kung nakalista ang kanilang pangalan na ipinadala ng mga media outfit sa Kamara.

Ang lockdown ay para sa security check at preparation ng Kamara at Presidential Security Group para masiguro ang kaligtasan ng Pangulo at mga dadalo sa okasyon.

Show comments