Pagkakakumpiska sa CP ni Bong âwag gawing isyu â Jinggoy
Ito ang inihayag ni dating senador Jinggoy Estrada na nakasama noon ni Revilla sa bilangguan dahil sa kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam.
File Photo
Pagkakakumpiska sa CP ni Bong ‘wag gawing isyu – Jinggoy
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na dapat gawing malaking issue ang pagkaka-kumpiska sa cellphone umano ni dating senador Bong Revilla at pagpo-post nito ng selfie sa Facebook kahit nakapiit sa PNP-Custodial Center.

Ito ang inihayag ni dating senador Jinggoy Estrada na nakasama noon ni Revilla sa bilangguan dahil sa kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam.

Sinabi ni Estrada na mahigpit naman sa PNP Custodial Center lalo na nung dumating si Sen. Leila de Lima.

Naniniwala rin si Estrada na hindi pag-aari ng kanyang kaibigan ang cellphone na kinumpiska at imposible rin anyang makapag-post ito ng status update sa social media. 

Aniya, halos lahat silang mga senador ay may kanya-kanyang administrator ng social media accounts nila.

Samantala, kumbinsido rin ang dating senador na nahabag ang isa sa mga tauhan ni Revilla sa tagal ng pagkakakulong nito kaya’t nag-post sa social media kasabay ng ika-apat na taon ng dating mambabatas sa piitan.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with