^

Bansa

Bong Revilla nahulihan ng cellphone sa selda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bong Revilla nahulihan ng cellphone sa selda
Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr., nilabag ni Revilla ang polisiya at panuntunan na ipinatutupad sa nasabing detention facility matapos itong mahulihan ng cellphone sa ‘surprise inspection’ na isinagawa kahapon ng umaga ng mga tauhan ng PNP-HSS sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Selfie ipinost pa sa social media

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng PNP-Headquarters Support Service (HSS) ang mga bantay na pulis ni dating senador Bong Revilla matapos mahulihan ng cellphone at i-post pa sa social media ang selfie ng huli.

Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr., nilabag ni Revilla ang polisiya at panuntunan na ipinatutupad sa nasabing detention facility matapos itong mahulihan ng cellphone sa ‘surprise inspection’ na isinagawa kahapon ng umaga ng mga tauhan ng PNP-HSS sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Binigyang diin ni Durana, bawal ang cellphone o anumang gadget sa loob ng kulu­ngan kaya’t mananagot ang sinumang bantay na pulis na naki­pagsabwatan kay Revilla.

Sa Facebook post ni Revilla ay ipinoste nito ang kaniyang larawan na humaba na ang bigote at balbas.

“Today is exactly my 4th year in prison. This is 4 years away from my family, missing out on the milestones of my childrens lives, 4 long years that I cannot get back,” ani Revilla sa kaniyang FB account.

Iniimbestigahan na kung paano nakapasok ang cellular phone sa loob ng kulungan ng senador. Kung mapatunayang may pulis na nakipagsabwatan sa mga dalaw ni Revilla ay tiyak na makakasuhan ang mga ito.

“They will face relief and at the same time neg­lect of duty, how serious it is, it could be determine by our investigators, administrative case definitely,” ani Durana.

Sa kabila nito, itinanggi ni Durana na maluwag ang seguridad sa PNP Custodial Center dahil dalawang beses sa isang linggo ang ‘surprise inspection’ sa loob ng kulungan at wala ring VIP treatment.

Si Revilla ay apat na taon ng nakakulong sa PNP Custodial Center sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.

vuukle comment

BONG REVILLA

PNP-HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with