^

Bansa

Pagkamatay ng mga preso pinaiimbestigahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagkamatay ng mga  preso pinaiimbestigahan
Sa inihaing resolusyon ni Quezon City 6th District Rep. Kit Belmonte, hiniling niya na kailangan agad imbestigahan ang nasabing insidente dahil sa tumataas na bilang ng illegal arrests at mga kwestiyunableng procedures ng pulisya tulad ng nangyari kay Tisoy na inaresto lamang dahil sa pinaigting na anti-loitering drive ng pulisya o dahil sa paglabas ng bahay at paglalakad sa mga pampublikong lugar na walang suot pang itaaas.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan sa Kamara ang umano’y dahilan ng pagkamatay sa loob ng kulungan ng ilang bilanggo tulad ng nangyari kay Genesis Argoncillo alyas Tisoy matapos siyang arestuhin ng pulisya.

Sa inihaing resolusyon ni Quezon City 6th District Rep. Kit Belmonte, hiniling niya na kailangan agad imbestigahan ang nasabing insidente dahil sa tumataas na bilang ng illegal arrests at mga kwestiyunableng procedures ng pulisya tulad ng nangyari kay Tisoy  na inaresto lamang dahil sa pinaigting na anti-loitering drive ng pulisya o dahil sa paglabas ng bahay at paglalakad sa mga pampublikong lugar na walang suot pang itaaas.

Subalit lumalabas umano sa death certificate ni Tisoy na namatay siya dahil sa mga tinamong trauma sa ulo, leeg, dibdib at itaas na bahagi ng katawan taliwas sa inihayag ng pulisya na namatay siya dahil sa hirap sa paghinga.

Si Belmonte ang nakakasakop sa distrito ng Novaliches kung saan nakatira si Argoncillo.

Una ng sinabi ng pulisya na si Argoncilllo ay namatay dahil sa suffocation subalit kinalaunan ay sinabi ni Supt. Joselito Esquivel, chief ng QCPD na namatay si Tisoy dahi sa pambubugbog ng tatlong inmates.

vuukle comment

GENESIS ARGONCILLO ALYAS TISOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with