^

Bansa

Backchannel talks sa NDF sinuspinde

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Backchannel talks  sa NDF sinuspinde
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, suspindido sa loob ng 3 buwan ang lahat ng backchanneling talks sa communist group habang nirerebyu ang lahat ng nilagdaang kasunduan ng gobyerno at NDF.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sinuspinde na ng gobyerno ang lahat ng backchanneling talks sa National Democratic Front (NDF).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, suspindido sa loob ng 3 buwan ang lahat ng backchanneling talks sa communist group habang nirerebyu ang lahat ng nilagdaang kasunduan ng gobyerno at NDF.

Ayon kay Roque, gagamitin din ang tatlong buwan para magsagawa ng public consultation para makuha ang buong suporta ng publiko sa peace talks sa NDF.

Pormal na ipinabatid ng government panel negotiator Hernani Braganza kay NDF chief negotiator Fidel Agcaoili at CPP founder Jose Maria Sison ang nasabing suspension.

Nagpasalamat naman ang Malacañang sa lahat ng tumulong sa pagsusulong ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF gayundin sa Royal Norwegian government.

Magugunita na inihayag din ni Pangulong Duterte na mas nais nitong dito gawin sa bansa ang peace talks kaysa sa ibang bansa.

Inimbitahan mismo ni Duterte si Joma Sison na umuwi ng bansa at handa niyang sagutin ang lahat ng gastusin nito kasabay ang paniniguro sa seguridad nito habang nasa Pilipinas para sa peace negotiations.

vuukle comment

HARRY ROQUE

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with