^

Bansa

Bello walang sabit sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon
Bello walang sabit sa Ombudsman

MANILA, Philippines – Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ngayong Miyerkules na malinis na ang kanyang pangalan sa mga sinampang kasong kriminal at administratibo ng Office of the Ombudsman.

Isang araw bago niya makaharap ang Judicial and Bar Council para sa isang public interview, nalaman niya na sarado na ang kaso.

Isa si Bello sa mga nag-apply para sa magiging sunod na chief graft buster.

Sa ulat ng STAR, nalaman na ang Labor secretary ay may nakabinbing criminal case na graft at kasong administratibong misconduct noong 2017 na sumasailalim sa imbestigasyon.

Alinsunud sa patakaran ng JBC, diskwalipikado sa pagiging Ombudsman o Deputy Ombudsman ang mga taong may kaso.

Kaharap ang JBC panel, sinabi ni Belo na ang kanyang mga kaso ay noon pang 1988, na nag-ugat sa isang kontrata na kabilang ang Philippine Reclamation Authority kung saan nagsilbi siya bilang general manager noong 2003.

“Fortunately, the case has been resolved to our favor,” wika ng kalihim.

Matapos ang public interview, pinakita ni Belo sa mga reporters ang isang page na certification na inisyu ng Office of the Ombudsman.

“This certifies that as of 18 June 2018, our records show that Silvestre Hernando Bello III...has no pending criminal and administrative cases with the Office of the Ombudsman,” saad sa one-page clearance na inisyu ni Graft Investigation Officer I Maria Agnes Forteza.

Sa tanong na kung nag-sumite na siya ng clearance noong nag-apply sa posisyon, “I did submit something. This is the latest,” ani Bello.

Sinara ng JBC ang aplikasyon noong Mayo 15 ngunit sinabi ni Belo na nalaman niya lang na wala ng kaso laban sa kanya kahapon, Hunyo 19.

Naghahanap ng bagong Ombudsman ang opisina dahil nakatakda nang magretiro si Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Related video:

vuukle comment

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with