^

Bansa

Police chief sa Isabela ika-48 parak na natumba sa drug war – Albayalde

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Police chief sa Isabela ika-48 parak  na natumba sa drug war � Albayalde
Si Tubaña ay pinabulagta ng mga drug suspects habang nagsasagawa ng one time big time anti-criminality operation sa kanyang teritoryo sa Mallig, Isabela noong Father’s Day, araw ng Linggo.?
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sinabi ni Police Director General Oscar Alba­yalde na ika-48 nang pulis ang hepe ng Isabela Police na si Sr. Insp. Michael Angelo Tubaña na nasawi sa kasalukuyang drug war ng gobyerno mula noong 2016.?

Si Tubaña ay pinabulagta ng mga drug suspects habang nagsasagawa ng one time big time anti-criminality operation sa kanyang teritoryo sa Mallig, Isabela noong Father’s Day, araw ng Linggo.?

Ayon kay Albayalde, nararapat lamang na mabigyan ng proteksiyon ang mga Pulis Probinsiya gaya ng bullet proof vest at surveillance came­ra sa pagsasagawa nila ng operas­yon laban sa sindikato.?

Sinabi rin ni Alba­yalde na dapat lamang mabig­yan ng protective gears ang mga Probinsiyanong Pulis gaya ng mga katapat nila sa malalaking lungsod. ?

Ayon kay Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Mario Espino, ang nakapatay kay Tubaña na si Warren Bulawit, 19, ay miyembro ng isang kilabot na carnaping at drug group na may operasyon sa Isabela, Cagayan at Kalinga.

Nadakip sa isang follow-up operation si Bulawit kasama ang alalay niyang 17 anyos na binatilyo sa Tabuk City, Kalinga noong Lunes.?

Sinabi naman ni Isabela Gob. Faustino Dy III na malugod siyang magkakaloob ng paunang protective gears sa mga Pulis sa kanyang teritoryo habang inilalakad pa ng pamunuan ng PNP ang pagbibigay ng budget nito.

vuukle comment

MICHAEL ANGELO TUBAñA

OSCAR ALBA­YALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with