Ayon sa Department of Transportation (DOTr), binigyan na nila ng ‘go signal,’ sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO) na ilunsad ang kanilang mga bago at modernong PUJs.
Modernong PUJs papasada na ngayon
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula ngayong Lunes ay papasada na ang mga bago at modernong public utility jeepneys (PUJs), bilang bahagi ng  PUV Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng pamahalaang Duterte, na layong makapagbigay ng de kalidad, ligtas, environment-friendly at abot-kayang public transport sa mga mamamayan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), binigyan na nila ng ‘go signal,’ sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO) na ilunsad ang kanilang mga bago at modernong PUJs.

Ang SETSCO ay binubuo ng 22-operator, na pinamumunuan ng chairperson nito na si Remedios Venturina, at kabilang sa tatlong pre-selected cooperatives na lumahok sa inisyal na implementasyon ng PUVMP. 

Sinabi ng DOTr na 15 sa kabuuang 35 modern PUJ units ang magsisimula nang bumiyahe ngayong hapon, at ang mga ito ay may rutang ‘Star City/CCP hanggang PICC, GSIS/Senate hanggang MOA hanggang PITX at pabalik.’

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION PUBLIC UTILITY JEEPNEYS PUV MODERNIZATION PROGRAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with