Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, iniimbestigahan na ng pulisya ang pagpatay kina Fr. Mark Ventura, Fr. Tito Paez at Fr. Richmond Nilo.
File
Kaso ng 3 pari tutukan! - Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ng Palasyo na makakamit ng tatlong paring Katoliko na pinaslang ang hustisya matapos atasan mismo ni Pangulong Duterte ang pulisya na tutukan ang nasabing mga kaso upang mabilis na maresolba.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, iniimbestigahan na ng pulisya ang pagpatay kina Fr. Mark Ventura, Fr. Tito Paez at Fr. Richmond Nilo. 

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Simbahan para mabilis na malutas ang nasabing mga kaso at para sa seguridad ng mga miyembro ng Kaparian sa bansa.

“The President himself has ordered an intensified campaign against criminality to further expand the significant strides we made in the peace and order situation in the country, as acknowledged by various reports,” sabi ni Roque.

Nanawagan din ang Malacañang sa taumbayan na magkaisa sa gitna ng ginagawa ng mga lawless elements na pagpaslang sa mga pari upang lumikha ng pagkakawatak-watak at gumawa ng kaguluhan.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos maglabas ng statement si Archdiocese ng Linga­yen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas na kumokondena sa pagpatay kamakailan kay Fr. Nilo sa Nueva Ecija.

“They are killing our flock. They are killing us the shepherds. They are killing our faith. They are cursing our Church. They are killing God again as they did in Calvary. Let us implore the grace of God to touch the heart of the President of the Philippines to stop the verbal persecution of the Catholic Church because such attacks can unwittingly embolden more crimes against priests,” dagdag pa ni Bishop Villegas.

Nauna ng itinanggi ni Roque na may kinalaman ang mga naging verbal attack ni Pangulong Duterte sa ginawang pagpaslang sa mga pari.

“I don’t think there is any empirical basis for that ‘no. Ang masasabi ko lang po itong kultura ng impunity ay naririyan na po bago pa pumasok ang ating Presidente,” ayon kay Roque.

Samantala, tumaas na sa limang “persons of interest” ang tinututukan ng mga awtoridad sa pagpatay kay Father Nilo.

“So again as to regard sa suspect, yesterday sinabi namin na dalawang suspects identified in the CCTV, but we have a development today. We are now looking into 5 suspects based on CCTV footages,” pahayag ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Amador Corpus.

Si Fr. Nilo ay pinagbabaril noong Hunyo 10 habang nagbibihis sa likuran ng altar para mag-misa sa kapilya ng Nuestra Señora dela Nieva Chapel sa Brgy. Mayamot, Zaragosa ng dalawang armadong salarin na sumi­lip sa bintana ng kapil­ya. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

HARRY ROQUE PANGULONG DUTERTE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with