Umento sa government teachers giit ni Leni

Ayon kay Robredo, mahalagang matiyak na matutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga guro na itinuturing nitong mga bayani na ibinibigay ang lahat ng kanilang oras sa pagtuturo at sadyang masisipag.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Suportado ni Vice Pres. Leni Robredo ang mungkahing itaas ang sweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Robredo, mahalagang matiyak na matutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga guro na itinuturing nitong mga bayani na ibinibigay ang lahat ng kanilang oras sa pagtuturo at sadyang masisipag.

Nabanggit din nito ang kalagayan ng mga guro na nakabaon sa utang dahil sa maliit na sweldo na hindi sapat sa kanilang araw-araw na pangangailangan.

Napakalaki umano ng sakripisyo ng mga guro para maturuan ang mga mag-aaral nang maayos. Tunay na buhay na ng mga ito umano ang paaralan.

Si Robredo ay naging guro rin sa Sta. Isabel ng 10 taon at nagturo ng Economics noong nag-aaral pa ng abogasya sa Naga City.  

Show comments