^

Bansa

Robredo iginiit na malinis ang pagkapanalo noong 2016 elections

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Robredo iginiit na malinis ang  pagkapanalo noong 2016 elections
Sa ikalawang bahagi ng panayam kay Robredo na ipinoste sa kanyang Facebook account, sinabi nitong nanalo na siya at sadyang hindi maka-move on ang ilang tao.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Binigyang diin ni Vice Pres. Leni Robredo na malinis ang kanyang pagkapanalo noong 2016 elections at hindi niya habol ang trabaho ni Pre­sident Duterte.

Sa ikalawang bahagi ng panayam kay Robredo na ipinoste sa kanyang Facebook account, sinabi nitong nanalo na siya at sadyang hindi maka-move on ang ilang tao.

Pinagsumikapan umano ng kanyang pamilya ang lahat ng bagay na meron sila at ipinunto nito na walang anumang kasaysayan ng pagnanakaw sa kaban ng yaman ng bansa at pandaraya ang kanyang pamilya.

“Nanalo na ako at meron pa talagang hindi maka-move on. Obvious naman kung saan nagmumula ang fake news sa bagay na ‘to. Sa tuwing sasabihin nilang fake VP ako, uulitin ko at makikita ninyo sa record na walang anumang history ng pandaraya ang pamilya namin,” wika ni Robredo.

Hindi rin umano totoo ang mga report na ibinoto siya ng isang patay na sa isang lalawigan.

“I don’t really have experience in cheating in elections, to steal from the nation’s coffers, and I haven’t committed any irregularity. We will see who has the capacity and the history to cheat,” aniya.

Nahaharap si Robredo sa electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos Jr. na ayon dito ay minanipula umano ang vote-counting machines na ginamit sa 2016 polls para paboran ang bise presidente.

vuukle comment

LENI ROBREDO

PRE­SIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with