5 pang opisyal sisibakin ni Duterte

“Meron akong tatanggalin. Gusto ko muna siyang makausap bago ko ito gawin. Itong isang undersecretary... Well, of course, I’ll just... isabay ko na sila lahat, at lima sila sa listahan,” wika ni Pangulong Duterte sa mensahe nito sa local executives ng Cebu kamakalawa.
File Photo

MANILA, Philippines — Limang opisyal ng gobyerno ang nakatakdang tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto sa linggong Ito.

“Meron akong tatanggalin. Gusto ko muna siyang makausap bago ko ito gawin. Itong isang undersecretary... Well, of course, I’ll just... isabay ko na sila lahat, at lima sila sa listahan,” wika ni Pangulong Duterte sa mensahe nito sa local executives ng Cebu kamakalawa.

Hindi pinangalanan ni Pangulong Duterte ang sisibakin pa niyang mga opisyal pero sinabi nitong posibleng madagdagan pa Ito.

“No offense intended. Pero it is still --- Ang puwesto sa gobyerno ay isang oportunidad talaga para magkapera,” dagdag niya.

Sa naunang speech ng Pangulo sa Cebu, si­nabi nitong posibleng sibakin niya ang corporate counsel ng gobyerno na kanyang fraternity brother.

Ang corporate counsel ay si Rudolf Philip Jurado na itinalaga ng Pangulo noong Abril 2017.

Aniya, kinausap niya ang kanyang law school brod noong Biyernes at sinabihan niya itong mag-resign.

Sa speech din ni Du­terte sa opening ng Oil and Gas Production sa Alegria Oilfield Plyard-3 Well Site sa Cebu ay sinabi nitong may assistant secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinagbibitiw din niya.

Show comments