^

Bansa

33 establishment sa Boracay, kakasuhan ng DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
33 establishment sa Boracay, kakasuhan ng DENR
Ito ay makaraang matuklasan ng DENR na ang naturang mga establisimiyento ay may mga ilegal na tubo na nagtatapon ng maru­ming tubig sa karagatan ng Boracay.
File Photo

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa may 33 establisimiyento na nagtatapon ng maduming tubig sa isla ng Boracay.

Ito ay makaraang matuklasan ng DENR na ang naturang mga establisimiyento ay may mga ilegal na tubo na nagtatapon ng maru­ming tubig sa karagatan ng Boracay.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, agad itong tinutukan ng Mines and Geosciences Bureau gamit ang kanilang Ground Penetrating Radar (GPR) upang malaman kung saan nakakabit ang nasabing mga tubo kaya natuklasang may mahigit 30 establishments ang may ilegal na tubo.

Aniya, sa naturang bilang, tatlo na ang ka­nilang natanggal at saka isusunod ang 30 iba pa.

Binigyang diin ni Cimatu na mananagot sa batas ang establishment owners ng mga may illegal na tubo na nagpapalala sa kondisyon ng kapaligiran at karagatan ng isla ng Boracay.

Sinabi ni Cimatu na binubusisi na rin ng mga tauhan nito ang mga tubo ng tubig ng  Bolabog Beach upang matiyak na wala itong nilalabag na batas at walang ilegal na tubo.

Sinasabing pinayagan ang ilang residenteng gumawa ng sarili nilang drainage pipes sa may Bolabog beach upang makaiwas sa baha at kung makikitang nakakonekta sa dagat ang kanilang drainage pipes ay hindi mangingiming putulin din ito at parusahan  ng batas.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with