^

Bansa

First class relics ng 3 Santo Papa ilalagak sa Manila Catheral

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
First class relics ng 3 Santo Papa ilalagak sa Manila Catheral
Ayon kay Fr. Regie Malicdem, rector ng Manila Cathedral, bukod sa blood relic ni Saint John Paul II, na kasalukuyang bukas sa public veneration ay nasa kustodiya na rin ng kanilang simbahan ang maliit na piraso ng buto mula kay Pope John XIII.
File Photo

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng tatlong first class relics ng tatlong Santo Papa ang Manila Cathedral.

Ayon kay Fr. Regie Malicdem, rector ng Manila Cathedral, bukod sa blood relic ni Saint John Paul II, na kasalukuyang bukas sa public veneration ay nasa kustodiya na rin ng kanilang simbahan ang maliit na piraso ng buto mula kay Pope John XIII.

Kasabay ng anunsiyo, inaaasahang magkakaroon din ng relic ang mula kay Pope John Paul VI matapos aprubahan na rin aniya ng Vatican ang kanilang kahili­ngan. Nakatakda pa lang aniya ang pagsasailalim sa kanonisasyon sa nasabing Papa sa darating na Oktubre.

Hindi pa aniya nahuhukay ang mga labi ni Pope Paul VI, ngunit umaasa aniya silang matatanggap ang relic nito bago matapos ang taong ito.

“His (Paul VI) body is yet to be exhumed but hopefully we’ll receive the relic before the end of the year,” ani Malicdem.

Ang mga naturang relic ay ilalagay aniya, sa altar sa kasagsagan ng Rite of Dedication sa cathedral sa Disyembre, 2018 para sa ani­bersaryo ng post-war reconstruction ng Manila Cathedral.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Malicdem ang mga mana­nampalataya na hanggang 8:00 ng gabi na lamang ngayong Linggo, Pentecost Sunday, ang public veneration para sa blood relic ni Saint John Paul II.

Nauna rito, muling binuksan ng Manila Cathedral ang 3-araw na public veneration sa blood relic ng Santo noong Mayo 19 ng alas-6 ng umaga, bunsod sa kahilingan ng libu-libong Katoliko na nabigong masilayan ang reliko noong una itong buksan para sa publiko noong nakaraang buwan.

vuukle comment

MANILA CATHEDRAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with