Villar, Pacquiao pinakamayamang senador

Pumapangalawa ang Pinoy ring icon na si Sen. Manny Pacquiao, habang pangatlo si Sen. Ralph Recto.
File

MANILA, Philippines — Nananatiling pinakamayamang senador si Sen. Cynthia Villar base sa isinumite nitong 2017 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

Pumapangalawa ang Pinoy ring icon na si Sen. Manny Pacquiao, habang pangatlo si Sen. Ralph Recto.

Batay sa record, nadagdagan ng P5.2 million ang yaman ni Villar mula sa P3,606,034,556 noong 2016.

Pero si Sen. Pacquiao ay nabawasan naman ng P126 million ang assets mula sa idineklara niyang P3,072,315,030 noong 2016.

Sumunod kay Recto na may net worth na P538,889 milyon si Juan Miguel Zubiri, P152 mil­yon; Juan Sonny Angara, P131,765,860.

Pang-anim si Franklin Drilon, P93,727,005; Grace Poe, P90,674,709; Sherwin Gatchalian, P88,674,709; JV Ejercito, P78,953,332; Richard Gordon, P70M; Tito Sotto, P65M; Nancy Binay, P61M; Loren Legarda, P51M; Bam Aquino, P39M; Ping Lacson, P36M; Gregorio Honasan, P25M; Joel Villanueva, P24M; Koko Pimentel, P18M; Risa Hontiveros, P16M; Francis Pangilinan, P13M; Francis Escudero, P8.5M; Leila de Lima, P8M.

Maituturing namang pinakamahirap si Sen. Antonio Trillanes IV na may P6.8 milyon net worth.

Show comments