Ito ay ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Voting Secretariat at nahigitan na nito ang dating 1.3 milyong voters para sa nakaraang Presidential Election.
Rudy Santos
Botanteng OFW sa 2019 poll: 1.6-M
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa mahigit 1.6 milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers ang mga botante sa darating na 2019 National Election.

Ito ay ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Voting Secretariat at nahigitan na nito ang dating 1.3 milyong voters para sa nakaraang Presidential Election.

Base sa overseas voters registration, bago matapos ang registration period sa September 30,  2018,  posibleng aabot na sa 1.9 milyong overseas voters para sa darating na 2019 Election.

Nabatid kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, ito ay patunay aniya sa pagsisikap at dedikasyon ng mga kawani ng foreign service na humikayat sa mga OFW na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.

Malaki ang ginampanang papel ng media,  bloggers at overseas voters stakeholders  para sa kamalayan ng mga Pinoy sa ibayong-dagat na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.

OVERSEAS FILIPINO WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with