DOJ officials naghain na ng resignation

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na nakapaghain na ng kani-kanilang  resignation letter ang mga undersecretaries at assistant secretaries ng DOJ na kasabayan noon ni da­ting Justice Secretary Vitaliano Aguirre na  nanungkulan.

Ang paghahain ng  resignation letter ng mga Usec at Asec ay kasunod ng pagpapalabas niya ng memorandum na magsumite ng  pagbibitiw ang mga ito upang mas mapabuti pa ang Kagawaran.

Nakasaad sa memorandum na inilabas nono Abril 24 na hanggang kahapon lamang maaaring maghain ng  resignation  ang mga opisyal.

Ito ay pagbibigay  ng  laya kay Guevarra na makapamili ng kanyang mga trusted na opisyal para na rin sa maayos na trabaho sa DOJ.

Show comments