^

Bansa

Permanent residency sa religious workers, missionaries tulad ni Fox – Bam

Pilipino Star Ngayon
Permanent residency sa religious workers, missionaries tulad ni Fox � Bam

MANILA, Philippines – Kasunod ng deportation order laban kay Sister Patricia Fox, iginiit ni Sen. Bam Aquino ang panawagan para sa pagsasabatas ng kanyang panukala na layong bigyan ng permanent residency ang dayuhang religious workers at mga misyonaryo bilang pagkilala sa kanilang pagtratabaho para sa kapakan ng mahihirap.

“Foreign religious workers like Sister Fox are partners for change. Many of them are fighting for the rights and welfare of the poor through outreach work and social missions,” sabi ni Aquino sa kaniyang Senate Bill No. 702 o ang Permanent Residency to Qualified Religious Workers Act.

Sa kanyang panukala na inihain pa noong Hulyo 2016, iginiit ni Aquino na malaki ang sakripisyo ng dayuhang religious workers, kabilang ang pag-alis sa kanilang mga sariling tahanan at pag-iwan sa kanilang pamilya, para lamang pagsilbihan ang mga Pilipino.

“These are devoted individuals who intend to live the rest of their lives serving the Filipino people,” dagdag ng senador.

Layon ng panukala na amyendahan ang Commonwealth Act No. 613, na kilala bilang Philippine Immigration Act of 1940, upang hindi na mahirapan pa ang mga dayuhang religious workers sa pagkuha ng requirements para manatili sa bansa at gawin ang kanilang adbokasiya na napakikinabangan ng mga komunidad.

“This bill seeks to assist the many religious workers who have already dedicated long years of their lives to their missionary work and vocation in the country,” wika ni Aquino.

Nauna nang kinondena ng senador ang deportation order laban kay Sister Fox, kung saan isinantabi umano ng pamahalaan ang tulong ng misyonaryo sa mahihirap na Pilipino dahil sa kanyang pakikiisa sa kanilang ipinaglalaban.

“Binalewala ng administrasyon ang ilang taong pagtulong ni Sister Patricia Fox sa mahihirap na Pilipino dahil siya’y nakikiisa sa kanilang ipinaglalaban. Lantaran na ang panggigipit sa mga taong lumalaban at hindi sunud-sunuran.”

Nangako si Sen. Bam na maghahain ng resolusyon para maimbestigahan ang posibleng pag-abuso sa deportation ng mga dayuhan. Noong 16th Congress, inihain ni Sen. Bam ang Senate Resolution No. 260 upang matiyak na hindi napipigil ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin ng mga dayuhan.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

PATRICIA FOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with