Bgy. officials sa droga ilalantad na ng PDEA

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, binigyan na siya ng go signal ng Malakanyang para isiwalat sa publiko ang listahan ng mga ‘narco’ official ng barangay, kabilang na ang mga chairman, kagawad at mga tanod.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ilalantad na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko ang pangalan ng mga barangay official na sangkot sa droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, binigyan na siya ng go signal ng Malakanyang para isiwalat sa publiko ang listahan ng mga ‘narco’ official ng barangay, kabilang na ang mga chairman, kagawad at mga tanod.

Sinabi ni Aquino, nasa 211 ang pangalan ng mga opisyal ng barangay na nasa kanilang ‘narco list’ na direktang sangkot sa pagtutulak ng droga sa bansa.

Sa ngayon ani Aquino, isinasapinal na lamang nila ang listahan at sa loob ng linggong ito, ilalantad na nila ito sa publiko.

Inihayag pa ni Aquino na na-validate na ni Pangulong Duterte ang narcolist batay na rin sa mga ebidensya na nakuha laban sa kanila.

Una rito ay binalaan na ng PDEA at Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsasampa ng kaso la­ban sa mga opisyal ng barangay na may ugnayan sa iligal na droga.

Layunin ng PDEA na hindi na muling maihalal pa ng mga botante ang mga nasa ‘narco list’.

Show comments