^

Bansa

Philippines, Kuwait nagkasundo para sa OFWs

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Philippines, Kuwait nagkasundo para sa OFWs
Ito ang napagkasunduan sa pulong nina Pangulong Duterte at Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh kasunod ng diplomatic protest ng Kuwait laban sa ginawang pag-rescue ng embassy officials sa ilang distressed OFWs.

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Kuwait kaugnay sa memorandum of understanding (MOU) para sa proteksyon ng mga OFW.

Ito ang napagkasunduan sa pulong nina Pangulong Duterte at Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh kasunod ng diplomatic protest ng Kuwait laban sa ginawang pag-rescue ng embassy officials sa ilang distressed OFWs.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pinag-usapan na ng dalawang lider ang petsa ng paglagda sa hinihintay na MOU at posibleng mangyari ito pagkatapos na ng Ramadan.

Ayon kay Sec. Roque, nagpalitan ng “positive notes” sina Pangulong Duterte at Kuwaiti ambassador sa kanilang pulong kung saan kapwa nila tiniyak ang kooperasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at Kuwait.

Magugunitang nagalit ang Kuwaiti government at naghain ng diplomatic protest laban sa Pilipinas dahil sa ginawang pag-rescue ng embassy officials sa mga OFWs na may problema sa kanilang mga amo at tinawag nila itong paglabag sa kanilang soberenya.

Muling inulit ng Kuwaiti ambassador na panga­nga­lagaan ang kapakanan ng higit 200,000 OFWs sa kanilang bansa.

Muli namang tiniyak ni Pangulong Duterte ang patuloy na paggalang sa soberenya ng Kuwait at dignidad ng mga Kuwaiti nationals.

vuukle comment

KUWAITI AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES SALEH AHMAD ALTHWAIKH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with