Profiling sa mga child laborer ikakasa ng DOLE

MANILA, Philippines — Naglabas na ng panuntunan ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa profiling ng mga child laborer upang mas epektibong mailayo sila sa iligal na child labor at mga kaparehong uri nito.

Ang child labor ay tumutukoy sa anumang trabaho o aktibidad na ginagawa ng isang bata na mababa sa 18 taong gulang ang edad kung saan nalalantad sila sa mga uri ng pang-aabuso na lubhang mapanganib sa kanilang kalusugan, pati na rin sa  kanilang pisikal at sikolohikal na kagalingan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III,  nararapat lamang na magsagawa ng profiling sa mga target na child laborer at kanilang pamilya sa buong bansa upang magkaroon ng basehan para sa probisyon ng mga naaayong serbisyo at tulong upang maiiwas ang mga kabataan sa child labor.

Show comments