_ngayon
^

10 senador suportado ang pagsasampa ng kaso vs Noynoy, Garin, Abad

Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiwala si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon na makakakuha ng sapat na bilang ng pirma ang kaniyang report ukol sa Dengvaxia probe.

Matatandaang sa committee report na binalangkas ni Sen. Gordon, kabilang sa mga pinasasampahan ng criminal charges sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Sec. Janette Garin at dating Budget Sec. Butch Abad.

Sinabi ni Gordon, bagama’t hindi pa nakalagda ang karamihang miyembro ng lupon, nakausap na raw niya sa telepono ang mga ito.

Hindi bababa sa 10 ang sinasabing sumusuporta sa chairman’s report at maaaring lumagda ang marami sa mga susunod na araw.

Una rito, kinuwestyon ng ilang kasamahan ni Gordon ang maagang pagsasapubliko ng ulat, lalo’t wala pa itong pagsang-ayon ng mga kasapi ng komite.

Samantala, sinabi naman ng kampo ni Aquino na nakahandang harapin ng dating Pangulo ang kasong isasampa rito.

DENGVAXIA SEN. RICHARD GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with