^

Bansa

Mag-asawang may-ari ng Dimple Star hawak na ng PNP-CIDG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang may-ari ng Dimple Star hawak na ng PNP-CIDG

Sinabi ni PNP-CIDG Chief P/Director Roel Obusan na tatapusin nila sa lalong madaling panahon ang imbestigasyon laban kina Hilbert at misis nitong si Nida Napat para masampahan ng kaukulang kasong kriminal. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hawak na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-asawang may-ari ng Dimple Star bus matapos sumuko nitong Biyernes ng gabi sa Camp Crame.

Sinabi ni PNP-CIDG Chief P/Director Roel Obusan na tatapusin nila sa lalong madaling panahon ang imbestigasyon laban kina Hilbert at misis nitong si Nida Napat para masampahan ng kaukulang kasong kriminal.

Ayon kay Obusan, boluntaryong sumuko ang mag-asawa sa PNP-CIDG sa Camp Crame makaraang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pag-aresto sa mga ito nang bumisita sa pinangyarihan ng aksidente sa Sablayan, Oriental Min­doro nitong Biyernes.

Sina Hilbert at Nida Napat ay pinakakasuhan ni Pangulong Duterte sa PNP-CIDG ng fraud at reckless imprudence resulting to multiple homicide and frustrated homicide.

Nitong Marso 20 ng gabi ay aksidenteng nahulog sa tulay at bumulusok sa bangin ang isang bus (TYU 708 ) ng Dimple Star na ikinasawi ng 19 katao kabilang ang driver at konduktor.

Sa inisyal na imbestigasyon nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver na nagbunsod sa trahedya.

Sinabi naman ng mag-asawa na hindi sila nagtatago at makikipagkooperasyon sa imbestigasyon, tutulungan ang mga namatayang pamil­ya at mga nasugatang biktima.

Nabatid na suspendido na ang prangkisa ng Dimple Star dahil sa serye ng mga paglabag at pagkakasangkot ng mga bus nito sa sakuna.

Samantala ipinasusurender din ang plaka ng nasa 118 bus nito hanggang Marso 26 ng taong ito.

vuukle comment

DIMPLE STAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with