Duterte naglatag ng kondisyon sa Kuwait
Bago bawiin ang deployment ban
MANILA, Philippines — Inilatag kahapon ni Pangulong Duterte ang kanyang mga demand sa Kuwaiti government kaugnay ng dapat na pagtrato sa mga Pinoy domestic helpers na nakasaad sa final draft ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
“I demanded that it will be a contract of government to government and that there will be some mandatory provisions like they should be allowed to sleep at least 7 hours a day, fed nutritious food. We will not allow leftovers to be eaten by our countrymen,” ayon sa Pangulo sa kanyang mensahe sa 39th Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite kahapon.
Ayon pa sa Pangulo, hindi dapat na kumpiskahin ng mga employer ang mga passport ng mga Pinoy workers.
Dapat din umanong magkaroon ng desk ang embahada ng Pilipinas sa airport para kunin ang passport ng mga OFW.
“I have said that we are not slaves. Their only fault would be in your country because mahirap lang kami,” dagdag pa ni Duterte.
Aniya, ginawa niya ito para protektahan ang mga OFW mula sa pang-aabuso ng kanilang mga amo sa Kuwait kung saan nasawi ang OFW na si Joann Demafelis.
Samantala, nanindigan si Labor Sec. Silvestre Bello na hindi pa rin niya irerekomenda sa Pangulo ang lifting ng deployment ban sa Kuwait sa kabila ng lalagdaang MOU.
Wika pa ni Bello, ilang Japanese businessmen ang nag-alok ng trabaho para sa libo-libong OFW na nawalan ng trabaho sa Kuwait.
“I had a meeting with some Japanese businessmen. They are targeting our repatriated overseas worker from Kuwait and they are offering jobs for their in-flight catering services. They are offering a good salary of $800. Initially, they are targeting 1,000 for a start,” paliwanag pa ni Bello.
- Latest