^

Bansa

Napoles sa WPP ‘premature’ pa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Napoles sa WPP �premature� pa

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na, masyadong nagmamadali si Justice Secretary Vitaliano  Aguirre na mabigyan ng laya si Napoles bilang testigo gayung sinusuri pa lamang ang kanyang affidavit subalit binigyan na agad siya ng provisional admission noon pang Pebrero 27, 2018.   Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maituturing na “premature” at “illegal” ang uma­no’y pagtanggap kay Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na, masyadong nagmamadali si Justice Secretary Vitaliano  Aguirre na mabigyan ng laya si Napoles bilang testigo gayung sinusuri pa lamang ang kanyang affidavit subalit binigyan na agad siya ng provisional admission noon pang Pebrero 27, 2018.

Giit ni Lagman, masyadong premature pa ito kahit na tinatawag na provisional dahil mayroong tinatawag na mandatory determination na si Napoles na qualified siya na ma-discharged sa mga kaso niyang nakabinbin sa Sandiganbayan para maging state witness.

Malinaw umano itong nakasaad sa section 10 ng RA 6981 in relation to section 17 ng rule 119 ng Rules of Court on Criminal procedure.

Nagtataka din ang kongresista kung bakit humihingi na agad ang abogado ni Napoles na si Atty. David ng protective custody at pinapalipat na siya sa protected housing facility sa ilalim ng WPP gayung provisional pa lamang siya at hindi na lamang hintayin ang proseso na maging kwalipikadong state witness.

Giit pa ng kongresista na kung si Napoles ay naakusahan sa Sandiganbayan na “mastermind” sa multi-billion peso pork barrel scam, lumalabas na siya ang most guilty, kaya magdidiskwalipika ito sa kanya bilang state witness.

Ito umano ang malinaw na nakasaad sa batas na sinumang nagpartisipa sa naunang krimen ay dapat hindi lumalabas na most guilty para maging state witness at makapasok sa WPP.

Bukod dito, ang magdedetermina rin umano para maging state witness si Napoles ay ang special prosecutor ng Office of the Ombudsman at ang Sandiganbayan at hindi si Justice Secretary Aguirre o ang director ng WPP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with