^

Bansa

5 brgy. sa Samar, drug-free na- PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Drug-free na ang may limang barangay sa lalawigan ng Samar, na dating natukoy ng mga awtoridad na apektado ng kalakaran ng illegal na droga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino,  kabilang sa mga naturang barangay ang Casandig, Concepcion, Hinugacan, Natimonan at Pologon, na pawang matatagpuan sa munisipalidad ng Gandara,  sa Samar.

Una umanong natukoy na drug affected ang mga naturang barangay, kaya’t nagsagawa ang PDEA ng drug-clearing operation doon, katuwang ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Matapos naman ang masusi at maingat na balidasyon ng oversight committee at ma-satisfy ang lahat ng parameters na itinatakda ng Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 3 Series of 2017, o ang Strengthening the Barangay Drug Clearing Program, idineklara nang drug-cleared ang mga naturang barangay noong Marso 15, 2018.

Ayon sa PDEA, ang isang barangay ay idinedeklarang drug affected kung may presensya ng mga drug users, drug pushers, drug dens o di kaya’y shabu laboratories doon.

Sa sandali namang mawala na ang lahat ng ito at makasunod sa parameters ng DDB ang mga barangay ay maaari na itong ideklarang drug-free o drug-cleared.

Kabilang sa mga naturang parameters na pinagbabasehan, salig sa Section 8 Board Regulation ay ang mga sumusunod: non-availability ng drug supply; kawalan ng drug transit/transshipment activity, clandestine drug laboratory, drug warehouse, marijuana cultivation site, drug den, dive o resort, drug pusher, drug user/dependent at protector, coddler at financier ng illegal na droga; aktibong involvement ng barangay officials sa mga anti-drug activities at aktibong involvement ng SK para tumulong sa pagmantine ng drug-liberated status ng barangay; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education at information, at iba pang kaugnay na programa, at pagkakaroon ng boluntaryo at compulsory drug treatment at rehabilitation processing desk.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with