^

Bansa

Ang mga Bata sa Lilim ng Mayon

Pilipino Star Ngayon
Ang mga Bata sa Lilim ng Mayon

Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Salamat na ibinaba na sa Alert level 3 ang Bulkang Mayon at pinayagan nang makauwi sa kanilang mga tahanan ang higit sa 15,00 mga pamilyang nagsilikas mula sa 8 kilometrong danger zone.

Kasama rito ang mahigit sa 3,000 mga musmos at mga bata.  Hangad ng lahat na manumbalik sa normal ang kanilang mga buhay. Nguni’t mas madali itong sabihin kaysa gawin. Pagka’t maraming mga bata ang nakaranas ng abnormal na stress sa kasagsagan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Higit pa sa pagkain, damit, at gamot ang kakailanganin ng mga batang dumanas ng trauma na bahagi sa kanilang karanasan sa mga evacuation center. Kakailanganin ang “counselling” ng mga batang nakaranas ng pagpapabaya at eksploytas­yon. Lingid sa kaalaman ng karamihan, mayroong mga bata na nakaranas ng pang-aabusong pisikal at emosyonal sa mga evacua­tion center. Maaa­ring may mga bata na nalagay sa panganib ng pang-aabusong seksuwal o sa tangkang child trafficking.

Makikita ito sa kakaibang ikinikilos ng ilang mga bata. Bagama’t sila ay nakaligtas sa kapahamakan ng bulkan, sila ay nagpapakita ng senyales ng depresyon. Masaya man silang nakapaglalaro tuwing umaga nguni’t sa pagsapit ng gabi, nakikitaan sila ng takot at pagkabalisa. Ito ay sintomas ng matinding trauma na kanilang dinanas. Pakiramdam ng bata na sila ay nasa panganib pa rin. Kailangan nila ng tulong at pagdamay para muli nilang maramdaman na sila ay ligtas sa kapahamakan. Dapat maintindihan ng bata na may mga taong tunay na nagmamalasakit at mangangalaga sa kanila. Meron silang mga tagapagtanggol na maglalayo sa kanila sa mga mapagsamantala.

Higit sa lahat, kailangan damhin ng mga bata ang pagmamahal at pagkalinga.  Nagulo ang kanilang payapang buhay. Kaila­ngan nila ng mga taong makikinig at magbibigay kasiguruhan na manunumbalik sa normal ang dati nilang mga buhay. Kailangan ng mga bata ang katiyakan at pag-asa na mayroon magmamahal sa kanila.

Mahalaga ang paggabay at pag-antabay sa mga batang nakaranas ng trauma at pang-aabuso.  Kailangang madama nila na hindi sila nag-iisa – na may magtatanggol at mag-aaruga sa kanila.

Ang tulong ng kumunidad, paaralan, at simbahan sa mga batang dumanas ng trauma ay mahalaga sa panunumbalik ng kanilang kamusmusan. Kailangan nila ng pag-asa na bubuti ang situwasyon at gagandang muli ang kanilang buhay. – Jess Curabo, Director of Our Daily Bread, Philippines

vuukle comment

BULKANG MAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with