Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing, natanggap na ng opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resignation letter ni Aiza. KJ Rosales

Aiza Seguerra nagbitiw bilang NYC chair
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na nagsumite ng resignation letter si Aiza Seguerra bilang chair ng National Youth Commission (NYC).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing, natanggap na ng opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resignation letter ni Aiza.

Ayon kay Roque, hindi pa niya nakakausap si Aiza hinggil sa pagbibitiw nito as NYC chairperson.

Wala pa ring impormasyon ito kung tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Aiza.

Ang resignation letter ni Aiza ay may petsa ng March 5 subalit magiging effective sa darating na April 5.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Aiza bilang NYC chair noong Agosto 2016 habang ang kanyang partner na si Liza Dino naman ay itinalagang executive director ng Film Academy of the Philippines.

Kapwa tumulong sina Aiza at Liza sa presidential campaign ni Duterte noong 2016 elections.

AIZA SEGUERRA NATIONAL YOUTH COMMISSION
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with