^

Bansa

No-el niluluto

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
No-el niluluto

Layunin umano ng pagpapaliban ng barangay elections ay para isabay ang plebisito sa panukalang amyenda sa Konstitusyon upang maisulong ang kanilang term extension. 

Boy Santos

MANILA, Philippines — Niluluto na umano ng ilang kongresista na kaalyado ng administrasyon na magkaroon ng no-election (no-el) scenario para ipagpaliban ang barangay elections sa darating na Mayo at ang 2019 elections.

Layunin umano ng pagpapaliban ng barangay elections ay para isabay ang plebisito sa panukalang amyenda sa Konstitusyon upang maisulong ang kanilang term extension.

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, nadiskubre nila ang nasabing pagkilos sa pagpupulong ng Metro Manila Congressmen kung saan pinag-uusapan nila ang common problems ng mga distrito.

Nagulat na lamang umano sila ng biglang napag-usapan ang political plans tulad ng charter change, federalism at ang pinakamabigat ay ang layunin na ipagpaliban ang barangay elections.

Ang sabi umano ni Justice committee chairman Rep. Reynaldo Uma­li ay kailangan na ipostpone ang brgy. elections sa Mayo at dahil hindi pa matatapos ang binabalangkas na saligang batas para sa federalismo ay gawin na lamang ito sa Oktubre para maisabay ang plebesito at magtuloy-tuloy na ang pagbabago ng Konstitusyon.

Hinikayat din umano ni Umali ang mga kongresista na magdala ng kani-kanilang tao sa Feb. 27 at 28 sa Plaza Miranda para sa convention ng Liga ng mga Barangay para i-mobilize at manawagan na i-postpone ang brgy. elections at suportahan ang Cha-cha.

Ikinagulat umano ito ng mga kongresista kaya tinanong nila si Umali kung alam ito ng Pa­ngulo at sinabi na walang alam dito si Duterte.

Subalit sa tingin ni Erice sa nasabing pagpupulong, malamig ang mga Metro Manila Congressmen sa isinusulong ni Umali dahil lumalabas na self-serving kung sila ang kikilos.

Hindi naman pabor ang ilang senador sa planong ito ng ilang mambabatas na kaal­yado ni Duterte.

“Ang nakakatakot ay may planong i-railroad ang Cha-cha [Charter change] ng admin dahil ito ay connected sa plano nilang term extension sa congressmen at magagawa kung kanselahin ang 2019 midterm election at magkaroon ng term extension. At unang casualty ay ang pagkawala ng halalan sa Mayo dahil mawawalan ng kapangyarihan ang tao na makapamili ng kanilang pinuno,” wika naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Kung magkaroon ng term extension sa 3rd term congressmen, ang dapat Cha-cha should be ratified bago ang May 2019... ‘di pwedeng walang halalan kung iiral ang kasaluku­yang Saligang Batas at the only way to hold plebiscite should be simultaneously with barangay election,” dagdag pa ni Drilon.

vuukle comment

CALOOCAN CITY REP. EDGAR ERICE

NO-ELECTION SCENARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with