^

Bansa

Boracay isasara ng 2-3 buwan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Boracay isasara ng 2-3 buwan

Ito ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones ay kung itutuloy ng pamahalaan na isailalim sa “state of calamity” ang lugar upang bigyang daan ang rehabilitation work sa lumalalang kundisyon ng katubigan ng Boracay.   

from DENR Region 6

MANILA, Philippines — Nanganganib na ipa­sara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Boracay Island para sa mga turista at bakasyunis­ta ng may dalawa hanggang tatlong buwan.

Ito ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones ay kung itutuloy ng pamahalaan na isailalim sa “state of calamity” ang lugar upang bigyang daan ang rehabilitation work sa lumalalang kundisyon ng katubigan ng Boracay.

Sinabi ni Leones na gagayahin ng DENR ang Phuket, Thailand na naipasara sa turismo ang lugar ng isang taon upang maibaik sa dating ganda ang nasirang kalikasan at kapaligiran.

Anya, ito lamang ang tanging paraan para maibalik sa dating sigla ang isla ng Boracay.

“Talagang nagsusulputan na parang mushrooms ang mga buildings diyan. Nagpapatong-patong na. Hindi na nati­tingnan kung saan ‘yung kanilang discharge point... Kinakailangang hukayin at makita kung saan talaga dumadaan ‘yung kanilang mga wastewater,” dagdag ni Leones.

Binigyang diin ni Leones na ang lahat ng istraktura sa Boracay ay hindi pinapayagan sa may 400 hectares ng wetlands ng isla.

“Yung 400 hectares nu’n ang forest land o wetland. Ang nangyari niyan, du’n sa mga forest land, naging corrosion sila. Ang mga wetland, na-reclaim na nila. ‘Yun ang tinututukan natin ngayon. Bumaha. Barado na, at saka ‘yung dadaanan ng tubig, ‘yung pinaka-pond, na-reclaim na kaya hindi na makadaan dun,” dagdag ni Leones.

Magpapalabas ang DENR ng show cause order sa mga establi­simyento sa Boracay upang makapagpakita ang mga ito ng katunayan na sila ay may permit na mag-operate sa isla.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENT UNDERSECRETARY JONAS LEONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with