Kontrata ng Miascor tinapos na ng MIAA

Ipinapakita ni MIAA General Manager Ed Monreal ang isang boots na may mamahaling padlock na gamit ng isang ground handler sa NAIA na inoobligang ipagamit din sa iba pang mga paliparan kaugnay na rin ng nangya­ring nakawan ng bagahe sa Clark International Airport. Rudy Santos  

MANILA, Philippines — Tinapos na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kontrata nito sa MIASCOR Groundhandling Corporation matapos ang nangyaring nakawan sa bagahe ng dalawang OFW galing Canada na nawalan ng halos P82,000 halaga ng mga kagamitan matapos silang dumating sa Clark International Airport sa Pampanga.

Nagpadala ng written notice kahapon si MIAA General Manager Ed Monreal kay MIASCOR president Fidel Herman Reyes, para sabihin dito na umalis na sila ng airport complex at airport terminals sa loob ng 60 days.

Napag-alaman na, may kasunduan ang dalawang ito na 3 taong lease at concession agreement na nagtapos noong March 31, 2017.

Sabi ni Monreal, ang kontrata nila ay kada buwan.

Ayon kay Monreal, natanggap ng MIASCOR ang letter notice kahapon ng bandang ala-una ng hapon.

“I could not give an exact number of how many employees would be affected after this development but said the matter has been taken into consideration,” sabi ni Monreal.

Ayon kay Monreal, si Pangulong Duterte mismo ang nag-utos na tapusin na ang kontrata matapos nitong mabalitaan ang nakawang nangyari sa dalawang OFW.

Sa ulat, ang mga nagnakaw ay nahuli at kinasuhan ng “theft” pero nakalabas din matapos magpiyansa.

Show comments