9 Pinoy sa Malaysia sasagipin - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hihingi ng clemency ang Malacañang sa Malaysian government para mailigtas sa parusang bitay ang siyam na militanteng Pinoy na lumusob noong 2013 sa Sabah, Malaysia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing nito sa Albay kahapon, tungkulin ng estado na tiyakin na ligtas ang mga Filipino na nasa ibang bansa lalo ang mga nahatulan ng korte.

Ayon kay Roque, ang tanging magagawa ng Palas­yo ay umapela para sa clemency ng siyam na Pinoy na nasa death row sa Malaysia.

Nasa gobyerno pa rin ng Malaysia ang huling pagpapasya kung pagbibigyan ang hirit ng Pilipinas na clemency.

Niliwanag ni Roque na may limitasyon ang gobyerno ng Pilipinas kaya ang tanging magagawa ay magmakaawa sa Malaysia para mailigtas sa kamatayan ang siyam na Filipino.

Nahatulan ng parusang kamatayan ang 9 na Filipino matapos mapatunayan na sangkot ang mga ito sa insidente ng biglaang paglusob sa Sabah para ituloy ang pagbawi ng Sultanate of Sulu sa Sabah.

Ang siyam na Pilipino ay pawang mga followers ng self-proclaimed Sultan of Sulu na si Jamalul Kiram III at mga tauhan ng kapatid nito na si Agbimuddin Kiram.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with