Airport officials sisibakin ni Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

 ‘Pag naulit ang nakawan sa mga bagahe

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga airport security officials na sisibakin niya ang mga ito sa sandaling maulit ang nakawan sa mga bagahe ng mga OFW’s.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa launching ng Overseas Filipino Bank, kapag naulit na mayroong nagreklamo hinggil sa nanakawan sila sa kanilang bagahe sa mga paliparan ay siguradong sisibakin niya ang mga ito agad.

“Kapag naulit pa ang nakawan ng bagahe sa airport, alis kayo lahat. Hanap kayo ng ibang trabaho,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Samantala, pinag-aara­lan naman nito ang pagpapatupad ng total ban sa pagpapadala ng mga OFW’s sa Kuwait kasunod ng pagkasawi ng 4 na OFW’s bukod sa mga ulat na minomolestya ang mga Pinay na OFW’s.

Inulit din ng Pangulo na may sisibakin siyang 1 o 2 heneral at 49 na police officers dahil sa corruption.

Sa kabilang banda, ikinatuwa naman ni Duterte na ilan sa kanyang mga campaign promises ay natupad na niya tulad ng pagtatayo ng OFW bank.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with