Sinabi ni Pacquiao sa isang panayam sa telebisyon na marami na naman ang nagpahayag ng suporta sa panukalang parusang kamatayan kung lilimitahan ito sa mga drug lord lamang.
OSMP/Wendell Alinea
Pacquiao sa death penalty sa drug lords: Wala namang drug lord na mahirap
(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2018 - 5:38pm

MANILA, Philippines – Umaasa si Sen. Manny Pacquiao na makukuha niya ang suporta ng mga kapwa senador sa pagpapasa ng death penalty sa Pilipinas.

Sinabi ni Pacquiao sa isang panayam sa telebisyon na marami na naman ang nagpahayag ng suporta sa panukalang parusang kamatayan kung lilimitahan ito sa mga drug lord lamang.

“Mahihirapan talaga kami to get the majority but we’re going to explain again to my colleagues that pipiliin lang natin, kumbaga ang gusto namin dito is ‘yung mga drug lords," wika ni Pacquiao sa ANC Headstart.

Aniya magsasagawa sila ng panibagong pagdinig sa panukala upang mapag-usapan kung ano ang batayan ng pagiging drug lord.

Ibinasura ang parusang kamatayan sa Pilipinas noong panahon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni Pacquiao na hindi naman talaga nawala ang death penalty sa bansa at tinukoy niya ang Article III ng 1987 Constitution na may nabanggit tungkol dito.

“May exception na ‘unless for compelling reasons involving heinous crimes.’ Meaning, the death penalty in our country is not abolished. It’s just moratorium issued by President Gloria noong time niya. Pero nung Ramos, Erap, andyan ‘yung death penalty,” paliwanag ni Pacquiao.

“’Yung gumagawa ng karumaldumal na krimen ay ‘yun ang maaaring patawan ng kamatayan,” dagdag niya.

Iginiit ng senador na walang maparurusahang mahihirap dahil pawang mayayaman naman ang mga nagpapakalat ng ilegal na droga.

"Wala naman sigurong drug lords na mahirap. Hindi ‘yung mga users, ‘yung mga drug lords talaga ang gusto namin," sabi ni Pacquiao.

"Hindi naman siguro masama na para lang sa drug lord kasi ‘yun ang gumagawa. Nasisira ang kabataan natin because of these people.”

 

DEATH PENALTY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with