‘Heavy traffic’ asahan sa Metro Manila
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat ng asahan ng publiko ang masikip na daloy ng trapiko Metro Manila ngayong 2018.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Thomas Orbos, magsisimula na ngayong taon ang ‘massive infrastructure projects’ ng gobyerno.

Sinabi ni Orbos, dahil sa pagsisimula ng konstruksiyon ng iba’t ibang infrastructure pro­jects ng Duterte administration ay tiyak na magdudulot ng ‘heavy traffic’ pero kapag natapos naman ang nasabing mga proyekto ay ginhawa ang madarama ng mga motorista.

Tinukoy ni Orbos ang mga sisimulang ‘construction’ kabilang ang Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) Cavite extension, LRT 2 East extension, Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) at North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link Segment 10 sa Caloocan City at mga tulay sa Metro Manila.

“So many projects this year, which is part of the building program… they will all start simultaneously until the end of the term of the President,” sabi ni Orbos.

Aniya, kung nais nating magkaroon ng ginhawa sa pagbibiyahe ay kailangan munang magsakripisyo dahil ang magbe-benefits naman sa mga proyekto ay ang lahat ng Pilipino.

Sinabi pa ni Orbos na ang labis na makakaranas ng masikip na daloy ng trapiko ay ang kahabaan ng EDSA.

Sa ngayon, ani Orbos ay puspusan na ang kanilang koordinasyon sa DWPH at PNP-Highway Patrol Group para i-manage ng mabuti ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Hinihiling din ni Orbos sa ‘riding public’ na maa­apek­tuhan ng heavy traffic na maging mapagpasensiya.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with