Ito ang mariing direktiba kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa sa lahat ng hepe at units ng pulisya laban sa mga armadong barangay tanod sa buong bansa. AP/Bullit Marquez, File

Armadong tanod arestuhin! - Bato
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Arestuhin at disarmahan!”

Ito ang mariing direktiba kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa sa lahat ng hepe at units ng pulisya laban sa mga armadong barangay tanod sa buong bansa.

Kasunod ito ng madugong insidente sa Mandaluyong City nang isang grupo ng mga tanod ang namaril ng mga sibil­yan na lulan ng isang AUV at makisali pa ang nagrespondeng mga pulis na sakay ng dalawang police mobile car na ikinasawi ng dalawa katao habang dalawa pa ang nasugatan noong gabi ng Disyembre 28. 

Sinabi ni dela Rosa na hindi awtorisadong magbitbit ng armas at mamaril ang mga tanod.

“First of all itong mga tanod na ito they are not authorized to carry guns kaya right now I am giving instruction to all members of the PNP, hulihin nyo lahat ng tanod dyan na armado magalit na kung magalit dyan yung mga mayor na bossing ng mga tanod na yan wala akong pakialam,” pahayag ni dela Rosa.

Nilinaw naman ni dela Rosa na maari lamang magdala ng mga armas ang mga tanod kung sila ay may Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) pero hindi ito maaring bitbitin sa anumang operasyon o kaya ay idisplay sa mga matataong lugar tulad sa mga simbahan, plaza at iba pa.

Gayundin, hindi rin maaring gamitin sa pag­roronda ng mga tanod ang kanilang mga armas na dapat ay nakatago lamang habang dala sa labas ng tahanan dahil pang depensa lang ito.

Nilinaw naman ng PNP chief na pinahihintulutan ang mga local government units na isyuhan ng armas ang mga sibilyan na bahagi ng Civil Security Unit, pero awtorisado lamang ang mga ito na magdala ng armas sa loob ng compound ng munisipyo bilang security.

“ Let us set the record straight we are happy, the PNP is happy na merong tanod na nakakatulong sa ating maintenance of peace and order pero kung tanod naman ang source ng problema unang mamaril well hindi natin tolerate yan dahil in the first place illegal yung pagdadala nila ng firearms,” ayon pa sa Chief PNP.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with