Ayon kay House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles na hindi pa tapos ang Bicam subalit kahit papaano ay nalagpasan na nila ang mahirap na bahagi nito. File

Gusot sa budget ng Senado at Kamara naplantsa na
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Naplantsa na ang hindi pagkakasundo ng mga Senador at Kongresista sa Bicameral Conference Committee kaugnay sa mga ipinakakaltas na bahagi ng P3.7 trillion 2018 National Budget.

Ayon kay House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles na hindi pa tapos ang Bicam subalit kahit papaano ay nalagpasan na nila ang mahirap na bahagi nito.

Isa umano sa naging ugat ng budget impasse ay ang pagpapakaltas ni Sen. Panfilo Lacson ng P50 bilyon sa Right of Way at Civil Work Allocation ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Iginiit pa ni Nograles na hindi pagbibigyan ang P50 bilyon cut na gusto ni Lacson subalit magkakaroon pa rin ng P4 bilyon na kaltas ang pondo ng DPWH.

Idinagdag pa ng kongresista na maaaring napag-initan lamang ng ilang senador ang pondo ng Right of Way dahil iba ang pagkakaunawa sa kahalagahan nito.

Dahil dito kaya tiwala si Nograles na hindi na magkakatotoo ang banta ni Speaker Pantaleon Alvarez sa posibilidad ng reenacted budget.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with