Marawi residents isama sa planong rehabilitasyon sa lungsod - Robredo

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ng Task Force Bangon Marawi ang hakbangin ng United States, Japan, Australia at China na magkaloob ng relief at rehabilitation assistance sa Marawi.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, ang mga residente na apektado ng gulo ay kailangang mabigyan ng pagkakataong maisama sa pagbuo ng planong rehabilitasyon ng nawasak na lungsod.

“With the conclusion of the Philippines’ chairmanship and hosting of the 31st ASEAN Summit and Related Summits, various world leaders have committed to assist in the rehabilitation, reconstruction and recovery of Marawi City and other affected areas,” wika ni Defense Assistant Secretary and Task Force Bangon Marawi spokesman Kristoffer James Purisima.

Ayon pa kay Robredo ang tangi niyang rekomendasyon ay maikatawan ng maayos ang mga ordinaryong mamamayan ng Marawi.

“It’s not just us in the government who will decide, but I hope the government will give voice to ordinary people of Marawi,” ani Robredo ng bumisita sa lungsod.

Tiningnan din ni Robredo sa kanyang pagbisita ang lawak ng pinsala ng giyera upang malaman kung paano makakatulong ang kanyang tanggapan sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Binisita ni Robredo pati ang Army’s 103rd Infantry Brigade, 1st Infantry Division sa Camp Ranao para sa security briefing.

Show comments