Lolo nilamon ng alon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 70-anyos na lolo matapos itong tangayin ng malakas na alon sa habang naglalakad sa tabing dagat sa Brgy. Labuan, Zamboanga City,  kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Sonny Taraji, residente ng Zone 3, Brgy. Labuan ng siyudad.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang insidente sa Purok 3, Brgy. Labuan ng lungsod dakong alas- 6 ng umaga.

Kasalukuyang naglalakad sa tabing dagat ang matanda dala ang ilan nitong personal na kagamitan nang biglang humampas sa dalampasigan ang malakas at dambuhalang alon kung saan ay tuluyan itong tinangay sa gitna ng karagatan.

Ang biktima na tuluyang nalunod sa insi­dente ay narekober ang bangkay bandang alas-8 ng umaga matapos na magresponde sa lugar ang search and rescue team.

Show comments