Redacted SALN sisilipin ng Senado

MANILA, Philippines — Balak ng mga senador na silipin ang batas tungkol sa pagdedeklara ng Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) dahil sa “redacted” o pagtatakip sa ilang bahagi ng SALN ng mga nasa executive branch.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, titingnan ng mga senador kung legal ang ginawa ng mga nagtakip sa bahagi ng kanilang SALN dahil dapat maging “transparent” ang lahat.

Ipinunto pa ni Trillanes na kahit sa Senado ay walang “redaction” o pagtatago sa bahagi ng SALN.

Naniniwala naman si Sen. Sonny Angara na dapat ay ipakita ang mga amounts o halaga na nasa SALN.

Pero payag si Angara na takpan din ang impormasyon tungkol sa pangalan ng mga anak, at maging ang mga address para na rin sa “privacy”.

Show comments