‘Isang’ lumakas pa bago lumabas ng PAR

MANILA, Philippines — Sa paglabas ng Philippine area of responsibility, lumakas pa ang bagyong “Isang” habang gumagagalaw pa kanluran, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.

Huling namataan ang bagyo sa 20 kilometro ng Basco, Batanes kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay nito ang 55 kilometers per hour at bugsong aabot sa 65 kph, habang gumagalaw pa kanluran sa bilis na 23 kph.

“Maaari pong mamayang hapon inaasahan na pong lalabas ng PAR si bagyong Isang,” wika ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Batanes Group of Islands, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte.

Show comments