BuCor hahawakan muna ni Aguirre

MANILA, Philippines - Kasunod ng pagbitiw sa pwesto ni retired Police Chief Supt. Benjamin delos Santos bilang direktor ng Bureau of Corrections, pansamantalang inako ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pangangasiwa sa BuCor.

Sa isang pahinang department order 505 na nilagdaan ni Aguirre, tinukoy ng kalihim na siya muna ang direktang mangangasiwa sa management at operasyon ng BuCor.

Limitado lamang ang kapangyarihang gagampanan ng itinalaga niyang officer-in-charge ng kawanihan na si Rey Raagas, ang hepe ng BuCor-Administrative Division.

Kaugnay nito, inaatasan niya ang mga opisyal at empleyado ng BuCor na isumite sa kanya ang mga dokumento o usapin na hindi na sakop ng kapangyarihan ng OIC ng BuCor.

Show comments