^

Bansa

Intel funds ng Senado at Kamara mas malaki pa kaysa AFP, PNP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Daig pa ng Senado at Kamara ang intelligence  funds ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Base sa report ng Commission on Audit (COA), ang kabuuang nagugugol na intelligence funds ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force ay P115.7 milyon noong 2016.

Habang ang DND naman ay umabot sa P10.7 milyon ang intelligence funds noong nakaraang taon.

Samantala ang sa AFP General Headquarters ay P140.6 milyon at sa PNP ay P252.5 milyon. 

Mas malaki ang lamang dito ng confidential, intelligence at extraordinary expenses ng Senado na umaabot naman ng P298 milyon noong 2016.

Subalit mas higit na mas mataas ang sa Kamara na umaabot ng P1.4 bilyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with