^

Bansa

Lola kinatay, 2 pa kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 84-anyos na lola habang dalawa pa nitong kasamahan ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagtatagain ng isang mister sa Brgy. Lopoc, Labason, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktimang napatay na si Raymunda Barbacias, habang ang dalawang sugatan naman ay sina Alma Barbacias Duco, 48-anyos at Lorenzo Ignacio Barbacias 82-anyos; kapwa nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-6 ng umaga, kasalukuyang nasa tabing dagat ang biktimang si Alma na nangunguha ng niyog nang puntiryahin ng pamamaril ng natukoy na suspek na si Neil dela Cruz.

Nagawa namang makatakbo ni Alma sa kanilang bahay sa tabing dagat pero hinabol ito ng suspek at pinasok ang kanilang tahanan kung saan pinagtataga ang mga biktima.

Ang suspek ay mabilis na tumakas matapos ang ginawang pananaga sa mga biktima.

Nagsasagawa na ng follow up operations ang mga awtoridad upang maaresto ang tumakas na suspek.

vuukle comment

RAYMUNDA BARBACIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with