PAO sa CHR: ‘Wag selective

MANILA, Philippines - Hiniling ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta sa Commission on Human Rights (CHR) na huwag itong maging selective sa mga iniimbestigahan dahil may human rights din naman ang mga napapatay na pulis at sundalo ng mga kalaban ng gobyerno.

“Everyone has human rights, not just the drug suspects, but policemen as well. CHR must also condemn Abu Sayyaf Group for beheading its captives,” sabi ni Atty. Acosta sa media briefing sa Malacañang.

“CHR recently said it will probe the death of an Abu Sayyaf member captured in Bohol who was killed allegedly after escaping,” pahayag ni Acosta.

Aniya, hindi dapat maging selective ang CHR sa mga nais nitong imbestigahan dahil kapag pulis o sundalo ang napapatay ay hindi man lang kumikibo ang CHR.

Iginiit din ng CHR chief na walang state sponsored extra judicial killings sa bansa at walang ginagawang unconstitutional ang gobyerno sa war on drugs na inilunsad ni Pangulong Duterte.

Show comments