Helper arestado sa rape
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Arestado ang isang helper matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang 14-anyos na dalagita sa loob ng stock room ng kumpanyang pinagtatrabahuan ng una  sa Navotas City kamakalawa.

Kinilala ni Navotas Fish Port Complex Maritime Police acting chief, Senior Supt. John Mitchell Jamili ang naarestong suspek na si Samuel Tumamac, 26, helper ng Amor Consignation.

Alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Maritime Police sa isang follow-up operation malapit sa kanyang tinitirhan sa 3rd Avenue, Caloocan City.

Positibong kinilala ng biktimang itinago sa pa­ngalang “Katrina” na ayon pa rito ay dalawang  beses siyang ginahasa ni Tumamac.

Pinagbantaan pa umano ang biktima na papa­tayin ito kapag nagsumbong.

Ngunit pinaalam ng biktima sa kanyang mga magulang ang sinapit nito sa kamay ng suspek na nagresulta nang pagkakadakip dito.

 

JOHN MITCHELL JAMILI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with