Metro Manila handa ba sa ‘The ‘Big One’?

MANILA, Philippines - Matapos ang sunod-sunod na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Luzon noong Abril 4 at Abril 8, muling iginiit ni Senador Leila de Lima na dapat imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang kahandaan ng buong Metro Manila sa pagtama ng mas malakas na lindol na tinatawag na the “Big One”. Sa resolusyong inihain ni De Lima, sinabi nito na mahalagang matiyak ang kaligtasan ng lahat kapag nangyari na ang malakas na lindol dahil sa inaasahang paggalaw ng West Valley Fault.

Show comments