Duterte kuntento sa kanyang Gabinete
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Nilinaw kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ‘satisfied’ si Pangulong Duterte sa trabaho ng kanyang mga Gabinete.

Ayon kay Abella, kung hindi kuntento ang Pangulo, tiyak na sasabihin niya ito.

“The president is satisfied with the overall performance of his Cabinet unless he says otherwise,” pahayag ni Abella.

Inihayag din ni Abella na inaasahan ng mas magiging mapanuri ang Pangulo sa mga itatalagang mga bagong opisyal ng gobyerno sa gitna ng pagtatapos ng appointment ban ng mga natalong kandidato sa nakaraang eleksiyon.

Pero agad na nilinaw ni Abella na hindi nangangahulugan na papalitan ng Pangulo ng mga bagong tao ang kanyang Gabinete.

Mismong ang Pangulo na umano ang naunang nag­sabi na kumpleto na ang kanyang Gabinete, maliban sa mga posisyon na ang designasyon ay officers-in-charge. 

Matatandaan na sa isang talumpati, sinabi ng Pa­ngulo na tatanggalin niya sa puwesto ang mga opisyal na hindi maayos ang trabaho lalo pa’t marami namang mga “talented” na mamamayan na naghahanap ng trabaho.

Inihalimbawa ng Pangulo sa tinanggal niya si dating undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez ng Office of the Cabinet Secretary dahil sa pagpabor nito sa importas­yon ng bigas sa gitna ng panahon ng anihan ng palay.

“There are so many talented people outside. I do not have to suffer your incongruity there. I just fired Valdez the Undersecretary for approving… You know, common sense ‘yan harvest time. Ngayon kung you allow the import, it will compete with the local prices. Eh kawawa ang Pilipino, hindi mabenta ‘yung bigas niya,” anang Pangulo sa kanyang talumpati noong nakaraang linggo.

ERNESTO ABELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with